Articles

World Rainforest Day at Arbor Day Sabay na Ipinagdiwang ng MKWD

June 29, 2021
Sabay na ipinagdiwang ng Metro Kidapawan Water District ang World Rainforest Day at Arbor Day noong ika-26 ng Hunyo 2021 sa pamamagitan ng sabay na tree planting sa apat (4) na lugar sa Watershed areas ng MKWD.
Ang dalawampung (20) kawani sa mga sources ay nakapagtanim ng may kabuuang 1,365 na iba’t-ibang uri ng pananim. Naitanim sa apat na lugar ang sumusunod: (please see attached photo of table)
Ang World Rainforest Day ay pagdiriwang sa kahalagahan ng rainforest na nasa dalawang porsyento (2%) na lamang ang natitira sa mundo. Layon ng pagdiriwang ang mahimok ang karamihan na kumilos upang mapreserba ang kagubatan. Ang tema sa taong ito ay, “Protected Together. Now. Forever”. Inilunsad noong ika-22 ng Hunyo 2017 ng mga tinatawag na partners mula sa iba’t-ibang dako ng mundo na bumubuo ng Rainforest Partnership.
Mahalaga ang rainforest para sa pagpapanatili ng buhay sa mundo. Dito nagmumula ang sariwang tubig na ating iniinom, at ito rin ang humihigop ng “carbon dioxide”. Napapanatili nito ang klima, at nagsisilbing tirahan ng kalahating porsyento (50%) ng mga uri ng tanim at hayop sa buong mundo.
Ang Arbor Day naman ay nagsimula sa Estados Unidos noong 1872. Ito ay unang itinatag sa Pilipinas noong 1947, ipinagdiriwang ito tuwing ikalawang Sabado ng Setyembre, subalit inilipat sa Hunyo 25 noong 2003. Hangad nitong itaguyod ang isang mas malusog na ecosystem sa pamamagitan ng rehabilitasyo

n ng kapaligiran.
Noong 2012, nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang batas na bumuhay muli sa Arbor Day bilang isang taunang pagdiriwang para sa mga Local Government Units (LGUs), at nagdeklara ng “Tree-planting Day” bilang isang public working holiday. Sa ilalim ng batas na ito lahat ng mamamayan ng Pilipinas na may edad na labindalawa (12) pataas ay kailangang magtanim ng kahit isang (1) puno kada taon. – JPA