Articles

Notongon Intake Development Project nagsimula na

Isinagawa ang groundbreaking ng Notongon Intake Development Project sa Buhay Makilala noong Agosto 20, 2021. Dinaluhan ito ng piling mga manggagawa ng MKWD na pinangunahan ni GM Stella M. Gonzales, mga representante mula sa 3K’s Industrial Maintenance and Services, Inc. na contractor ng proyekto, at mga lideres ng komunidad na pingunahan ni Datu Rama Lopes na siyang CADT holder. Sinimulan ang groundbreaking sa pamamagitan ng isang ritwal na pinangunahan ni Datu Sanchy Lopez na isa sa mga lideres ng 4Bs CADT. Sinabi ni Datu Sanchy na ang ritwal ay isang “pamaas” na katutubong pamamaraan ng pagpapaalam sa mga nangangalaga ng kalikasan upang maging matagumpay ang isang proyekto at di magagambala.
Maaaring larawan ng 3 (na) tao, mga taong nakatayo, outdoors at text na nagsasabing 'GROUNDBREAKING DEVELOPMENT CEREMONY NOTONGON SPRING SOURCE BarangayBuk'
Isang programa rin ang isinagawa kung saaan si GM Gonzales ang nagbigay ng pambungad na pananalita. Sinariwa ni Gonzales na bago pa man ang lindol noong 2019, ay nakakapunta na siya sa Notongon. Aniya, napakaganda ng lugar, at mala-paraiso ang kalikasan. Kahit kasagsagan pa ang lindol ay personal pa rin niyang pinapangunahan ang pangkat sa pagmomonitor ng kalagayan ng Notongon Water Source. Pinasalamatan ni GM Gonzales ang NCIP at mga miyembro ng komunidad sa pagdalo. Aniya, malapit nang magumpisa ang proyekto na magdadala ng kasaganaan sa patubig lalo na sa bayan ng Makilala.
Sinabi naman ni Bai Myrna Linao, isa sa mga lider ng 4Bs CADT, na 2019 pa nang simulang pagplanuhan ang proyekto sa Notongon, subalit nang inabot ito ng lindol ay halos matuyo na ang sapa nito. Isa umanong ritwal ang isinagawa ng mga katutubo upang mapanumbalik ang sigla ng daloy ng tubig nito.
Sa kaniyang mensahe, nagpasalamat naman si Eric Raz, Provincial Officer ng NCIP Cotabato. Malaki umano ang pasasalamat niyq sa MKWD sa pagtutok nito sa pangangailangang patubig sa nasasakupan nito at pagiging partner sa kaunlaran ng mga katutubong komunidad. Maasahan umano ng MKWD at ng komunidad ang suporta ng NCIP sa mga proyektong papasukin nito.
Matapos ang ceremonial laying of time capsule at groundbreaking ay nagbigay ng mensahe si Engr. Wilesper Lisandro M. Alqueza. Napakahalaga ng proyekto sa Notongon sapagkat makakapagsilbi ito sa hanggang siyam na libong indibidwal o higit pa. Dagdag pa ni Alqueza, ikinagagalak niya ang pagsasakatuparan ng proyektong ito sapagkat ito umano ay magiging pamana ng MKWD at ng komunidad sa mga susunod pang henerasyon.
Kasalukuyan nang inihahanda ang area para masimulan ang konstruksiyon ng mga pasilidad. -ALASMaaaring larawan ng 1 tao, nakatayo at outdoors
Maaaring larawan ng 1 tao, nakatayo, puno at outdoors