Articles

Civil Service Commission Memorandum Circular No. 7 Series of 2020. ipinapatupad ng MKWD laban sa Covid-19

Magpapatupad ng Alternative Work assignments ang MKWD simula June 21, 2021 alinsunod sa kautusan ni GM Stella M. Gonzales. Ang kautusan ay bunsod ng patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 sa nasasakupan ng MKWD. Ito’y upang mabawasan ang exposure ng mga empleyado sa labas ng kani-kanilang pamamahay. Base sa OGM-Office Order hinggil dito, isinasaad na magkakaroon ng Alternative Work Arrangements kung saan karamihan sa mga empleyado ng iba’t-ibang departamento ay maglilingkod ng sampung oras kada araw sa loob ng apat na araw kada linggo. Ang nasabing kautusan ay naaayon rin sa Civil Service Commission Memorandum Circular No. 7 Series of 2020.
Hindi naman maapektuhan ang mga nakasanayang serbisyo ng MKWD bagkus ay madadagdagan pa ang office hours nito dahil mag-uukol pa rin ng 40 oras kada linggo ang lahat empleyado. Bukas pa rin ang MKWD mula Lunes hanggang Biyernes, at ngayon ay temporaryong mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-sais ng hapon. Bukas naman ang Cash Management Division para sa mga nagnanais magbayad ng bills mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon.
Magpapalabas ang pamunuan ng kautusan kung magbabalik na ang regular na iskedyul ng MKWD.