Publication

TREE PLANTING AT INSPEKSYON SA LUMOT SPRING SOURCE ISINAGAWA NG MKWD

July 14, 2020 – Alinsunod sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2020 ay nagsagawa ang MKWD ng Tree Planting. Isinabay na rin dito ang Inspection sa Lumot Spring Source ng MKWD.


Nakapagtanim ng mahigit sa 200 puno ng Lawaan ang 35 na mga kawani ng MKWD sa pangunguna ni General Manager Stella M. Gonzales. Bago pa man ang serye ng mga lindol noong Oktubre 2019, nakapagpapadaloy ng aabot sa 52 Liters per Second (LPS). Bumaba ito makalipas ang lindol subalit mabilis namang nakarekober sa lakas ng daloy na 44 LPS. Ibinaba naman ito sa 12 LPS nang makaranas ng 122 na araw na dry spell na nagtapos nito lamang Mayo.



Matapos ang “tree planting activity” ay pinulong ni GM Gonzales ang mga kawani ng Operations office na pinamumunuan ni Assistant General Manager Engr. Wilesper Lisandro M. Alqueza. Pinaalala ni GM Gonzales na kinakailangan na talaga ng masinsinang pagtutok sa area, at pagtuklas ng bagong mga pwedeng mapagkunan ng supply ng tubig sa area. Napag-usapan din sa pulong, ang pagtatayo ng bagong staff house sa bagong lokasyon kapalit ng lumang giniba ng lindol. Aayusin din ang mga bakod sa paligid ng pasilidad, at ipapaloob din sa site development program nito ang tree planting at tree parenting. Sa pamamagitan ng Geotagging, lalagyan ng coordinates ang mga aayusing bakod. Bahagi din ng napagkaisahan ng pangkat na ang pang-araw-araw na aktibidad ng mga kawani na nakatalaga sa area, at aayusin ang mga kagamitan sa komunikasyon sa naturang pasilidad. Pinanukala din sa pagpupulong na titingnan ang posibilidad sa pag-ipon sa isang catchment facility ng mga sanga-sangang daloy ng tubig. Bilang pagtatapos, titingnang muli ng pamunuan ang Memorandum of Agreement sa Lumot Spring Source sapagkat sa kasalukuyan, may mga nagpapahiwatig na naman sa komunidad na layong magdonate ng humigit kumulang anim na hektarya bilang karagdagan sa watershed area ng MKWD.