Publication

NOTONGON WATER SOURCE ININSPEKSIYON NG MKWD

July 10, 2020 – Ininspeksiyon ng MKWD ang Notongon Water Source na nasa Purok Settlement, Barangay Buhay Makilala. Pinangunahan ni General Manager Stella M. Gonzales ang 35 kawani ng MKWD na kinabibilangan ng mga inhinyero at support staff. Ang Notongon Source ay naglalayong magsupply ng tubig sa Bayan ng Makilala, partikular sa sumusunod na mga Barangay: Buhay, Buenavida, Garcica, New Cebu, Poblacion at Talun-talunan. Matatandaang dati na ring sinabi ni GM Gonzales na ang proyekto sa Notongon ay magiging kahanay ng proyekto sa Matiboggo water source at magiging halos magkasabay ang pagsasagawa ng proyekto sa mga nabanggit na water sources. Inaasahang malaki ang maitutulong nito sa pagpapanumbalik ng normal na supply ng tubig sa bayan ng Makilala.

Ayon pa kay Engr. Wilesper Lisandro M. Alqueza, Assistant General Manager for Operations, nasa 90 LPS ang lakas ng agos ng tubig ng Notongon bago pa man ang lindol. Kabilang ang Notongon Water Source sa limang project packages na popondohan ng LWUA-ADB partnership.

Sa isang panayam sa isang lokal, ang Notongon umano ay hango sa salitang Anotong; napapaligiran kasi ng halamang anotong o cabonegro ang palibot ng water source.