NOTONGON WATER SOURCE ININSPEKSIYON NG MKWD

July 10, 2020 – Ininspeksiyon ng MKWD ang Notongon Water Source na nasa Purok Settlement, Barangay Buhay Makilala. Pinangunahan ni General Manager Stella M. Gonzales ang 35 kawani ng MKWD na kinabibilangan ng mga inhinyero at support staff. Ang Notongon Source ay naglalayong magsupply ng tubig sa Bayan ng Makilala, partikular sa sumusunod na mga Barangay: Buhay, Buenavida, Garcica, New Cebu, Poblacion at Talun-talunan. Matatandaang dati na ring sinabi ni GM Gonzales na ang proyekto sa Notongon ay magiging kahanay ng proyekto sa Matiboggo water source at…

Comments Off on NOTONGON WATER SOURCE ININSPEKSIYON NG MKWD

CONGRESSMAN CAOAGDAN NANGAKONG TUTULONG SA MKWD

July 08, 2020 – Nagpulong sina Congressman Rudy S. Caoagdan kasama ang ilan sa kaniyang mga opisyal, District Engineer Elpidio Birog ng DPWH 2nd District at ang Board of Directors at pamunuan ng MKWD. Bilang pambungad, pinasalamatan ni MKWD General Manager Stella M. Gonzales ang mga panauhin sa pagtugon sa paanyaya ng MKWD. Mainit namang tinanggap ni Chairman of the Board Dr. Alfredo S. Villarico ang mga panauhin sabay pasasalamat na rin sa panahong ibinigay nila para sa MKWD. Sinundan ito ng presentasyon ng mga Catch up…

Comments Off on CONGRESSMAN CAOAGDAN NANGAKONG TUTULONG SA MKWD

MKWD IPINALIWANAG SA SANGGUNIANG BAYAN NG MAKILALA ANG KASALUKUYANG ESTADO NG PATUBIG SA MUNISIPYO

Tinugunan ng pamunuan ng MKWD sa pangunguna ni General Manager Stella M. Gonzales ang paanyaya ng Sangguniang Bayan ng Makilala sa isang pagpupulong noong July 7, 2020. Sa question hour ng sesyon inihayag ni Engr. Ramil Condez ang kasalukuyang sitwasyon ng patubig sa Makilala pati na ang mga plano ng MKWD upang maiangat ang serbisyo sa naturang munisipyo. Unang iprinesenta ni Condez ang mga isyung kinakaharap, kaakibat na ang mga agarang solusyon ukol dito. Matapos ang presentasyon, isa-isang sinagot ng MKWD ang mga katanungan ng mga konsehal.…

Comments Off on MKWD IPINALIWANAG SA SANGGUNIANG BAYAN NG MAKILALA ANG KASALUKUYANG ESTADO NG PATUBIG SA MUNISIPYO

MKWD NAGSAGAWA NG INSPECTION AT TREE PLANTING SA INANAPO SPRING SOURCE

July 3, 2020 – Pinangunahan ni General Manager Stella M. Gonzales ang 30 kawani ng MKWD sa pagbaybay sa matatarik at madudulas na daan patungo sa Inanapo Spring Source, sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City. Ang Inanapo ay nagsusupply ng tubig sa mga sumusunod na mga Barangay: Ilomavis, Ginatilan, Meohao, Mua-an pati na sa Poblacion ng Kidapawan City. Ayon pa kay GM Gonzales, tulad ng iba pang water sources, ang Inanapo ay hindi pinalagpas nang nagdaang lindol at bumaba ang supply nito sa 12 LPS na lubhang nakaapekto…

Comments Off on MKWD NAGSAGAWA NG INSPECTION AT TREE PLANTING SA INANAPO SPRING SOURCE

PUWAGAN SPRING SOURCE SA BATASAN ININSPEKSIYON NG PAMUNUAN NG MKWD

July 1, 2020 – Ininspeksiyon ng pamunuan ng MKWD sa pamumuno ni General Manager Stella M. Gonzales at ng nasa tatlumpung mga kawani nito ang Puwagan Spring Source sa Purok 4, Barangay Batasan, Makilala. Ang spring source na ito ay nagsisilbi sa malaking bahagi ng Upper Poblacion, at Malasila, Makilala. Bago pa man ang serye ng mga lindol, nakakapagsupply ito ng 52 liters per second (LPS) na tubig, subalit bumaba ito ng hanggat 40% dahilan ng mga pagkasirang idinulot ng lindol. Nasa 29 (LPS) na lamang ang…

Comments Off on PUWAGAN SPRING SOURCE SA BATASAN ININSPEKSIYON NG PAMUNUAN NG MKWD

MKWD NAGSAGAWA NG MONITORING SA ILIAN WATER SOURCE PROJECT

June 29, 2020 – Tinahak ng 25 na kawani ng MKWD ang matatarik at madudulas na mga daan patungo sa Ilian Water Source. Pinangunahan ito ni MKWD General Manager Stella M. Gonzales at mga inhinyero kabilang na ang mga technical staff ng MKWD. Sumama din sa pangkat ang dalawang mediamen mula Ronda 106.1-FM upang maidokumento ang progreso ng proyekto sa naturang water source. Sa panayam kay Engr. Kelvin E. Rupisan, Construction Division Manager, nasa 86% na ang proyekto sa Ilian at inaasahang makukumpleto ito ngayong katapusan ng…

Comments Off on MKWD NAGSAGAWA NG MONITORING SA ILIAN WATER SOURCE PROJECT