Publication

MKWD NAGSAGAWA NG INSPECTION AT TREE PLANTING SA INANAPO SPRING SOURCE

July 3, 2020 – Pinangunahan ni General Manager Stella M. Gonzales ang 30 kawani ng MKWD sa pagbaybay sa matatarik at madudulas na daan patungo sa Inanapo Spring Source, sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City. Ang Inanapo ay nagsusupply ng tubig sa mga sumusunod na mga Barangay: Ilomavis, Ginatilan, Meohao, Mua-an pati na sa Poblacion ng Kidapawan City. Ayon pa kay GM Gonzales, tulad ng iba pang water sources, ang Inanapo ay hindi pinalagpas nang nagdaang lindol at bumaba ang supply nito sa 12 LPS na lubhang nakaapekto sa mga nabanggit na Barangay. Bumuti na ang supply ng tubig nito sa ngayon sa lakas na 22 LPS.
Matapos ang inspeksiyon, nagpulong sa area sina GM Gonzales, Engr. Wilesper Lisandro M. Alqueza AGM for Operations at iba pang inhinyero ng MKWD. Napagkaisahan sa naturang pulong ang pagpapalawak ng area of coverage upang magkaroon ng mas malaking watershed area na tataniman ng mga puno para mas mapaniguro ang isinusupply na tubig ng Inanapo. Tinatayang makakapagpalabas ng karagdagang 12 LPS ang magiging epekto nito sa hinaharap.
Nakapagtanim ang pangkat ng 400 na punong Sagimsim dagdag sa mahigit 3,000 nang mga punong una nang naitanim kamakailan lamang. Bahagi rin sa napag-usapan ng pamunuan ang planong karagdagang “tree planting activity” sa nalalapit na hinaharap.