Articles

Clarifier and flocculation facilities project tapos na, demo sa operasyon isinagawa

Tapos na lahat ng istruktura at suportang pasilidad sa clarifier ar flocculation project sa Barangay Perez, Kidapawan City. Nagsagawa ang Reftec Industrial Supply and Services Incorporated ng demonstrasyon noong ika-19 ng Agosto kung papaano gumagana ang clarifier at flocculation facility. Ipinaliwanag ni Engr. Danny Yamilo sa pamunuan at piling kawani ng Metro Kidapawan Water District ang bawat hakbang ng proseso ng flocculation at clarification ng tubig kapag tumataas ang antas ng turbidity ng tubig na dumadaan dito. Sa flocculation facility umano nangyayari ang pamumuo ng mga particles na nagpapa-turbid sa tubig at sa clarifier naman ito sinasala at pinapalinaw.
Maaaring larawan ng 7 (na) tao, mga taong nakatayo, puno at outdoorsMaaaring larawan ng isa o higit pang tao, mga taong nakatayo at outdoors
Pinangunahan ni GM Stella M. Gonzales ang pangkat ng MKWD na dumalo sa nasabing aktibidad. Ayon pa kay Yamilo, may tatlong sangkap na gagamitin ang clarifier sa pagpapalinaw ng tubig, ang ACH na magtatakda ng PH level, Chlorine na maglilinis sa tubig, at Soda ASH na coagulant kung saan mamumuo ang mga maliliit na butil na nagpapalabo ng tubig upang mas madali itong maihiwalay sa malinaw na tubig. Makakayanang salain ng naturang pasilidad ang hanggang 1000NTU na antas ng turbidity levels.
Ipinakita rin sa isang jar test kung papaano pinapalinaw ng clarifier at flocculation facility ang tubig. Nakakamanghang sa loob lamang ng ilang minuto ay napalinaw ang malabong tubig na hinaluan ng putik matapos timplahan ito ng mga nasabing sangkap. Maayos na nasagot naman ni Yamilo ang mga katanungan ng teknikal na kawani ng MKWD hinggil sa operasyon ng nasabing pasilidad. Kasalukuyang isinasagawa ang test run ng pasilidad na tatagal ng hanggang sa dalawang buwan upang mapaniguro ang maayos nitong operasyon bago pa man ito ganap na gamitin sa operasyon. – ALAS
Maaaring larawan ng outdoorsMaaaring larawan ng outdoors