Articles

Mahigit 3,800 Metrong Bagong Mainline Linagak sa Makilala at Kidapawan

July 30, 2021 – Dalawang proyektong natapos sa buwan ng Hulyo ang sumailalim sa pinal na inspeksyon at turnover.
Natapos noong ika-2 ng Hulyo ang Purok 7 to Purok 2 Mainline Project sa Barangay Nuangan, Kidapawan City. Mahigit walong daang (800+) metro ng 100mm dayametrong uPVC pipes ang inilagak sa nasabing proyekto.
Target nito ang nasa limampung (50) benepisyaryong koneksyon ng tubig at layon nitong mapanigurong may tubig tuwing “peak hours” sa Purok 2 at mababang bahagi ng Barangay Nuangan.
Ang Taluntalunan Transmission Line naman ay natapos noong ika-12 ng Hulyo. Layon nito na mapabuti ang supply ng tubig sa Barangay Taluntalunan, Makilala.
Nailagay sa nasabing proyekto ang mahigit sa tatlong libong metrong 100 mm dayametrong uPVC pipes. Target nito ang may pitong daang (700) benepisyaryo. – JPA