SILANGANG BAHAGI NG KIDAPAWAN MAPATUTUBIGAN NGAYONG ARAW

 


June 4, 2020

Malugod na ipinapaalam ng Metro Kidapawan Water District na bubuksan ngayong araw ang Ilian intake Box B sa Ilian Spring Source sa Barangay Buhay Makilala.

Mabibigyan nito ng maayos na serbisyo ang mga konsumidores na kinasasakupan ng Barangay Nuangan hanggang Barangay Singao sa Kidapawan City at ang malaking bahagi ng Munisipalidad ng Makilala. Sa mga residente ng mga nabanggit na lugar, magkakaroon po ng “test flow” mamayang alas tres ng hapon.

Pinapaabot din ng MKWD ang taos-puso nitong pasasalamat sa inyong patuloy na pagintindi sa sitwasyong hindi natin kontrolado. Bagama’t may mga residente pa ring apektado ng kakulangan ng supply ng tubig bunsod ng pagkasira ng ilang “Water Sources” natin, sinisiguro ng ating tanggapan na maisasaayos ang lahat at maibabalik natin ang normal na serbisyo sa lalong madaling panahon.

Kasalukuyan pa ring ginagawa ang ating proyekto sa Perez Source. Antabayanan po ang mga updates na aming ibibigay hinggil sa ating mga proyekto sa aming opisyal na Facebook page at sa himpilang ito.

Inaasahan po namin ang inyong nakasanayang pang-unawa tungkol sa bagay na ito. Lalo po naming napapabilis ang paghahatid ng maayos na serbisyo dahil sa walang-sawa niyong suporta sa ating MKWD.

PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON, MANGYARI PO LAMANG MAKIPAG-UGNAYAN SA MGA NUMERONG ITO:
ENGR. ELBEN S. DAQUIPA – 09338512810 TOTONG BARON – 09338507929
CHARLIE P. LUMAGOD – 09338507930 JONATHAN AGBON – 09333719797