Articles

Unang Bahagi ng Selebrasyon ng Nutrition Month Isinagawa

Nagsagawa ng Trivia Question and Answer contest ang Women Employees Association ng MKWD sa loob ng tatlong araw – Hulyo 15, 16 at 19, 2021 at namigay ng papremyo.
Kalahok sa nasabing patimpalak sa pagbibigay ng tamang sagot ang mga customer na nasa loob ng tanggapan sa oras ng nasabing aktibidad. Namigay ng sampung pakete ng sari-saring gulay sa unang dalawang araw at sampung tig-isang dosenang itlog sa pangatlong araw.
Layun ng nasabing aktibidad na makapagbigay ng kasiyahan at dagdag na kaalaman tungkol sa nutrisyon.
Ang kulminasyon ng pagdiriwang ay gagawin sa umaga ng Hulyo 28, 2021 sa MKWD covered court. – JPA