Articles

Pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa MKWD nagtapos

July 28, 2021 – Tinapos ngayong araw sa pamamagitan ng isang maikling palatuntunan at demo-lecture na dinaluhan ng ilang miyembro ng asosasyon ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon na pinangunahan ng MKWD Women Employees Association (MKWDWEA) sa pakikipagtulungan ng MKWD Gender and Development Focal Point System.
Naikwento ni GM Stella Gonzales ang kaniyang sariling karanasan sa pagluluto sa hurno noong kabataan pa niya kasama ang kanyang mga magulang hanggang ngayong may mga anak na rin siya. Ayon pa kay GM Gonzales, inaasahan niyang matuto ang mga partisipante at sana ay magamit ng mga partisipante ang natutunan sa araw-araw na pamumuhay.
Dumalo rin ang dalawang director ng MKWD na sina Dir. Virginia L. Dayaday at Dir. Lynnie G. Cagape sa pakikiisa at pagsuporta sa mga kababaihang kawani.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Ms. Karen E. Belasa, presidente ng MKWD WEA sa pamunuan ng MKWD sa walang sawang pagsuporta sa mga aktibidad ng asosasyon. Nagpasalamat din siya sa kasamahan niyang opisyales sa aktibong pakikilahok nila sa aktibidad.
Highlight ng pagdiriwang ang demo-lecture sa paggawa ng “Malunggay bread” at “Vegetable Pizza”. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga babaeng kawani ng MKWD na aktwal na magmasa at maghurno ng tinapay at pizza na natikman din nila pagkaluto. Ang itinurong pamamaraan ay “basic” lamang at ipinaubaya ng resource person na si Ms. Ayn Jena C. Esquivel sa mga lumahok ang pagbago o pagdagdag ng mga sahog.
Sa pagtatapos ng aktibidad, iginawad ni Director Lynnie Cagape at GM Gonzales ang Certificate of Appreciation kay Ms. Esquivel.
Matatandaang nagsagawa rin ang MKWDWEA ng Trivia Question contest noong Hulyo 15, 16 at 19 para sa mga customer na nagbabayad sa tanggapan kung saan namigay ng pake-paketeng gulay at sampung dosenang itlog na papremyo. – JPA
Maaaring larawan ng 1 tao

Maaaring larawan ng 3 (na) tao, mga taong nakatayo at mga taong nakaupo

Maaaring larawan ng 1 tao at nakatayo