Publication

NETWORK OF WOMEN AT MKWD NAGPULONG


July 29, 2020-Tinugunan ng siyam na kababaihan mula sa ibat’t-ibang organisasyong nagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga kababaihan ang paanyaya ni GM Stella M. Gonzales sa isang pagpupulong. Ang siyam ay nabibilang sa magkakaibang representasyon tulad ng Network for Women na nirepresenta ng kanilang Pangulo na si Framer S. Mella at dalawa pang mga kasapi nito, Konsumo Kidapawan Association ni Vilma Gonzales, CCDC ni Felicidad J. Bayoy, CPAW ni Generosa M. Catedrilla, at ICON-SP ni Flor Llanto. Dumalo rin si Konsehal Ruby-Padilla Sison at isa nitong staff. Binuksan ni GM ang naturang pagpupulong sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa pagdalo ng mga naimbitahang bisita. Ayon pa kay Gonzales, ang pakikipagpulong na ito ay bahagi sa pagkilala ng MKWD sa malaking papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa ikabubuti ng serbisyo ng ahensiya dahil ang mga kababaihan, lalo na ang mga ina ng tahanan na kadalasang nakatoka sa mga gawaing bahay ang lubos na nakasalalay sa tubig ang pang-araw araw na pamumuhay.

Ipinresenta ni Engr. Ramil M. Condez ang Contigency and Catch-up Plans ng MKWD na naglalarawan sa sitwasyon sa takbo ng patubig bago pa man ang serye ng mga kalamidad, at maging pagkatapos nito. Idinetalye din niya ang mga agaran at pangmatagalang solusyon na nakahanay na upang matugunan ang kasalukuyang problema sa supply ng tubig.
Sa talakayan, iminungkahi ni Framer Mella na paigtingin ang Information, Education, and Campaign ng MKWD. Ayon pa sa kaniya, pwedeng gumawa pa ng dagdag na infomat videos katulad ng ipinapanood sa kanila, at ipanagtag ito sa mga tao. Maari ring makipagugnayan sa mga paaralan at relihiyosong sektor upang maisiwalat ang katotohanan sa likod ng kakulangan ng tubig at magkaroon ng kasanayan ang mga tao sa pag-iimbak at pagtitipid ng tubig. Idinagdag din ni Arlene Cando na maaari din namang isali sa mga materyales ng MKWD ang tamang pamamaraan ng pagiimbak at pagtitipid ng tubig. Tumugon naman si Engr. Alqueza na pinakamainam sa sitwasyon ngayon kung makakayanan ng bawat bahay na makapag-imbak ng tubig na magagamit ng pamilya sa loob ng dalawang araw.
Sa pagtatapos ng pagpupulong, nagasalamat si Mella sa ngalan ng kaniyang mga kasamahan sa imbitasyon ng MKWD. Nagpasalamat din si MKWD Board Member Virginia L. Dayaday sa mga dumalo, at hiniling si Kagawad Sison na maipaabot din sa mga kasamahan sa Sanggunian ang mga napag-usapan. Pinasalamatan din ni GM Gonzales ang mga dumalo sa suporta nito at walang sawang pagtangkilik sa MKWD sa ngalan ng paglilingkod sa bayan at kababaihan.